Ito ay matapos magpositibo sa paralytic shellfish poision ang coastal waters ng nasabing probinsya.
Sa ngayon, pitong lugar na sa bansa ang apektado ng red tide. Ito ay ang Irong-Irong Bay sa Western Samar, Carigara Bay at iba pang mga coastal waters ng Leyte, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Honday Bay sa Puerto Princesa sa Palawan, at coastal waters ng Milgaros sa Masbate.
Paalala ng BFAR, maaaring magdala ng sakit sa mga tao na posibleng humantong sa pagkamatay ang red tide.
Kaya naman nag-abiso na ang ahensya na huwag na muna manghuli, magbenta, at kumain ng mga shellfish at hipon sa mga lugar na nasa ilalim ng red tide.