High value target ng NCRPO arestado sa Bukidnon
Arestado ang isang lalaking miyembro ng Boratong Group at itinuturing na high value target ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga sa Barangay Sebole sa Quezon, Bukidnon.
Kinilala ang suspek na si Datumandog Buratong alyas Andog, 37 taong gulang na kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.
Bukod sa pagkakasangkot sa droga ay mayroong pending warrant of arrest si Buratong para sa kasong murder sa Pasig City.
Miyembro rin ang nasabing suspek sa Boratong Group na siyang responsable sa Pasig Shabu Tiange at isa sa mga hitman ng nasabing grupo.
Ayon sa mga otoridad, naaresto si Buratong sa pakikipagtulungan ng Regional Intelligence Unit (RIU) 10 sa mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Criminal Investigation and Detection Unit (RCIDU) 10, RID PRO-10, Quezon Municipal Police Station, Kitaotao Municipal Police Station, RMFB 10, NICA 10, RPIOU NCRPO, at MIG 45.
Pansamantalang ididitine si Boratong sa RIU 10 bago ito dalhin sa Pasig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.