Mga aso tumakbo para makalikom ng pera para sa PAWS

Photo courtesy of Pet Express PH

Libu-libong mga aso kasama ang kanilang mga amo ang tumakbo sa palibot ng Mall of Asia sa Pasay City Sabado ng umaga upang makalikom ng pera para sa isang animal charity.

Nakasuot ng dilaw na bandana ang mga aso para sa Pet Express Doggie Run, kung saan ang mga nanalong aso ay nag-uwi ng mga trophy, dog shampoo, at dog food.

Ang mga ibinayad na entry fee para sa naturang race ay mapupunta sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na isang non-government organization na lumalaban sa animal cruelty.

2010 nang magsimula ang Pet Express Doggie Run at 350 lamang na mga pet-owners at mga aso ang sumali dito. Sa ngayon, libu-libo na ang kalahok, kabilang ang isang labrador ay may-ari nitong sundalo.

Sa loob lamang ng 20 minuto ay natapos ni Rider na isang labrador retriever at ni Krisenyano Yaban ang 5-kilometer race. Ito na ang ikatlong beses na sumali ang dalawa sa nasabing dog race.

Read more...