Inihayag ng Armed forces of the Philippines (AFP) na mananatiling sentro ng kanilang counter-terrorism at counter insurgency operations ang ilang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ni AFP Spokesman BGen. Bienvenido Datuin na focus ng pamahalaan ngayon ang galaw ng mga komunista at terorista sa eastern at western Mindanao base na rin sa kanilan mga hawak na intelligence reports.
Gayunman, sinabi ng opisyal na maliit na lamang ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army sa kasalukuyan.
Base sa kanilang hawak na records noong 2017, umaabot na lamang sa 8,000 ang mga armadong miyembro ng CPP-NPA at 1,800 sa mga ito ang nakakalat sa Mindanao.
Kaugnay nito ay umapela si Datuin sa publiko na makipagtulungan para sugpuin ang mga kalaban ng estado.
Nauna na ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-aaralan na rin niyang isabak ang mga reservists mula sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) na gawing augmentation force laban sa mga komunista at terorista.