Tulong ng European Union dapat walang kapalit ayon sa Malacañang

By Den Macaranas March 03, 2018 - 08:42 AM

Titiyakin ng Malacañang na walang anumang kapalit ang ibibigay ng European Union na €3.8 Million o katumbas ng P241.6 Million.

Ang nasabing pondo ay ilalaan para pondohan ang mga itatayong drug rehabilitation centers sa Pilipinas base sa inisyal na impormasyon mula sa E.U.

Sinabi Presidential Spokesman Harry Roque na personal niyang aalaman sa pamunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa kung anong uri ng economic package nakapaloob ang nasabing tulong.

Malinaw umano ang mga naunang pahayag ng pangulo na hindi tatanggap ng anumang tulong mula sa ibang bansa ang Pilipinas kung may mga kundisyon na nakapaloob dito.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Stefano Maservisi, European Commission Director General for International Cooperation and Development na diretso nilang ibibigay sa Department of Health ang nasabing pondo.

TAGS: drug rehabilitation centers, eurpean union, Roque, drug rehabilitation centers, eurpean union, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.