PNoy hindi pa tuluyang lusot sa pananagutan sa DAP

aquino-abad
Inquirer file photo

Hindi pa rin maituturing na lusot sa kanyang pananagutan sa Disbursement Acceleration Program (DAP) si Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Aquilino Pimentel III na ngayon pa lang ay dapat asahan nang asahan ng Pangulo ang pagsasampa sa kanya ng kaso sa sandaling matapos ang kanyang termino sa susunod na taon.

Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay pwedeng magsampa ng kaso laban kay PNoy kapag bumaba na siya sa pwesto at ito ang inaasahan ng lahat na mangyayari ayon kay Pimentel.

Ipinaliwanag rin ng mambabatas na malaki ang magiging papel ng testimonya ni Budget Sec. Butch Abad sa kaso ng DAP at dito ibabase kung anuman ang makikitang direktang kaugnayan ng Pangulo sa nasabing paglilipat ng pondo ng gobyerno.

Nauna dito ay inirekomenda ng tanggapan ng Ombusdman na isama ang pangalan ni Abad sa mga iimbestigahan kaugnay sa maanomalyang pag-gamit ng pondo ng pamahalaan sa ilalim ng DAP.

Si Abad rin ang itinuturong utak ng ng DAP kung saan ay sinabi ng ilang kritiko ng administrasyon na ginamit ang ponding inilaan dito para suhulan ang ilang mga mambabatas na nag-resulta sa pagkaka-impeached ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Iniuugnay rin ang DAP bilang isang money-making scheme ng administrasyon makaraang ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang pag-gamit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Read more...