Residential area sa Gen. T. de Leon, Valenzuela City, nasunog

By Jong Manlapaz, Kabie Aenlle March 03, 2018 - 05:42 AM

Natupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Gen. T. de Leon, Valenzuela City, Biyernes ng gabi.

Nagsimula ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa Sitio Kabatuhan sa naturang barangay, kung saan tinatayang nasa 20 kabahayan ang natupok ng apoy.

Umabot pa sa ika-apat na alarma ang sunog dahil pawang gawa sa mga light materials ang mga tahanan kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Tuluyan namang naapula ang sunog ganap na alas-2:22 ng madaling araw na ng Sabado.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protecton (BFP) kung ano ang naging sanhi ng sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.