‘Yung sinabi kong mag-Jet Ski ako sa China, kalokohan ‘yun.’ – Duterte

By Rhommel Balasbas March 03, 2018 - 04:53 AM

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papayag ang pamahalaan ng Pilipinas na magsagawa ng maritime exploration ang anumang bansa sa Philippine Rise.

Iginiit ng pangulo na handa siyang makipag-giyera sa mga bansang magbabalak na manaliksik sa nasabing teritoryo.

Sa talumpati sa Davao City, inihayag ng pangulo na nagpadala na ang gobyerno ng isang batalyon mula sa Marines para bantayan ang Philippine Rise.

Gayunman, iba naman ang naging tono ng pangulo pagdating sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Duterte, biro at kalokohan lamang ang pangako niya noong 2016 presidential elections na siya ay pupunta sa WPS sakay ng jet ski.

“Iyong sabi ko mag-jet ski ako doon sa China, ay kalokohan ‘yon. Wala gani akong heaven road. Istorya lang man ‘yon. Maniwala pala kayo,” ani Duterte.

Inihayag din ng presidente na bukas siya sa alok na joint exploration ng Pilipinas at China sa mga pinag-aagawang teritoryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.