Mga informal settlers sa Maypajo Creek, pinaaalis na ng MMDA
Binigyan na lamang ng 15 araw na palugit ang mga informal settlers sa tabi ng Maypajo Creek sa Maynila para kusa silang umalis sa estero.
Ininspeksyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni chairman Danny Lim, ang Maypajo Creek at binalaan ang mga informal settlers na kung hindi sila magkukusang umalis ay sila na ang magpapatupad ng demolisyon.
Ang mga nasabing informal settlers kasi ang itinuturong dahilan ng pagbabaha sa R. Papa Street tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan, bunsod na rin ng dami ng naitatambak na basura doon.
Dahil sa mga nasabing basura, nahihirapan ang operasyon ng mga pumping stations tuwing tag-ulan.
Nagmumula ang mga basura sa tinatayang 104,000 na pamilyang naninirahan malapit sa riles ng tren at sa estero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.