Sec. Cimatu, pinag-iisipan pa ang 60 araw na pagpapasara sa buong Boracay

By Marilyn Montaño March 03, 2018 - 04:23 AM

DENR photo

Hindi pa handa si Environment Sec. Roy Cimatu na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na isara ng Boracay sa loob ng 60 araw para sa rehabilitasyon ng isla.

Sa senate hearing sa Boracay ay sinabi ni Cimatu na sa ngayon ay hindi pa naresolba ang problema sa sewerage system lugar kaya wala pa siyang mairekomenda.

Katwiran pa ng kalihim, kung isasara ng mga establisyimento sa Boracay ay hindi masusuri kung tagumpay ang rehabilistasyon.

Sa tingin ni Cimatu, dapat na mayroon pa ring mga turista at normal ang operasyon ng mga hotel para malaman kung naresolba ang problema sa sewerage system.

Sa ngayon ay binigyan ng kalihim ang mga pasaway na establisyimento ng isang buwan para ayusin ang kanilang mga problema.

Gayunman, iginiit ni Sen. Cynthia Villar na dapat ipasara ang mga establisyimento sa Boracay na hindi sumusunod sa environmental laws.

Tutol rin si Villar na isara ang buong Boracay kapag ipinatupad ang rehabilitasyon ng isla pero sang-ayon siya na isara ang mga pasaway, dahil hindi naman na dapat maparysagan iyong mga sumusunod.

Bago ang Senate hearing ay nagsagawa ng ocular inspection si Villar kasama sina Senators Nancy Binay at Loren Legarda at mga lokal na opisyal.

Inalam ng mga senador kung saan galing ang polusyon at ibang paglabag ng ilang establisyimento na nakasira sa Boracay.

Giit ni Villar, dapat itong gibain ang hindi pinangalanang establisyimento na malapit sa shoreline dahil hindi sa kanila ang lupa na tinayuan ng istraktura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.