Tip para hindi na pakialaman ng ICC ang gobyerno, ibinahagi ng CHR

By Kabie Aenlle March 03, 2018 - 03:06 AM

Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang paraan para hindi na kailanganin pang manghimasok ng International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon kaugnay ng human rights situation sa Pilipinas.

Ayon sa CHR, kung mapapatunayan ng Pilipinas na mayroong “transparency, fairness adn due process” sa imbestigasyon at paglilitis sa mga kasong may kinalaman sa mga diumano’y paglabag sa karapatang pantao, tiyak na aatras din ang ICC.

Dahil dito, hinimok ng CHR ang law enforcement agencies o ang security sector, mga prosecutors at hukom na tiyaking nasusunod ang due process at batas sa mga imbestigasyon.

Paliwanag ng CHR, maari lang mag-imbestiga ang ICC kung nakikitaan ng walang kakayanan o “unwillingness” na mag-imbestiga at magsampa ng mga kaukulang kaso.

Itinuturing din anilang “court of last resort” ang ICC dahil papasok lang sila kung bigo talaga ang isang gobyerno na masolusyunan ang mga extrajudicial killings.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.