Tulungan kontra terorismo, pinagtibay ng pakikipagpulong ni Aguirre sa isang US official
Ibinahagi ng US Embassy to Manila na nakipagpulon si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa isang opisyal ng US Homeland Security Department kamakailan.
Ayon sa pahayag ng embahada, nakausap ni Aguirre si US Department of Homeland Security Undersecretary at counter-terrorism coordinator David Glawe.
Kabilang sa mga natalakay nina Aguirre at Glawe ay ang pagtitibay sa pagtutulungan ng Pilipinas at US laban sa child exploitation, mga banta ng terorismo, at ang pagkilala at pagsupil sa mga kriminal na magtatangkang pumasok sa mga borders.
Nitong nagdaang Pebrero lamang ay isinama na ng US Treasury Department ang teroristang Maute Group sa kanilang sanctionslist for global terrorism, dahil sa kaugnayan nito sa Islamic State group.
Maliban sa naturang grupo ay pinatawan rin nila ng sanctions ang dalawang indibidwal at ilan pang organisasyon mula sa Bangladesh, Egypt, Somalia, Nigeria at Tunisia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.