Hindi bababa sa 13 baril ang nakuha ng mga otoridad na pag-aari ng suspek sa Oregon shooting sa Umpqua Community College kahapon.
Anim dito ay nakuha sa campus, at ang pitong iba naman ay nakuha mula sa kaniyang tirahan.
Kabilang sa mga nakuha sa campus ay limang pistol at isang rifle.
Ayon kay Agent Celine Nunez ng Bureau of Alcohol, Firearms and Explosives, lahat ng mga nakuhang armas ng shooter na kinilalang si Chris Harper Mercer, ay legal na binili.
Magugunitang may siyam na katao ang napatay at hindi bababa sa sampu ang nasugatan sa nangyaring shootout.
Samantala, kasunod ng panibagong kaso ng mass shooting ay muli namang binuhay ni US President Barack Omaba ang panawagang pag-amyenda sa gun law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.