PNP, ikinatuwa ang ulat na nais umanong gayahin ni ni Pres. Trump ang war on drugs ng pamahalaan

Kuha ni Jong Manlapaz

Welcome pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang lumabas na ulat na ‘di umanoy nais ni US President Donald Trump na kopyahin ang istilo sa kampanya ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay PNP spokesperson PCSupt. John Bulalacao, masaya sila na kinikilala ng ibang bansa partikular na ng Estados Unidos ang kanilang ginagawa laban sa iligal na droga.

Magiging inspirasyon rin umano ito sa kanila na pag-igihan pa nila ang kanilang trabaho.

Pero sa kabila nito ay iginiit rin ni Bulalacao na kasabay ng kanilang gagawing pagpapa-igting sa war on drugs ay ang paggalang sa human rights sa bansa.

Una ng sinabi ni Trump na bilib siya kay Duterte dahil sa istilo nito sa kampanya laban sa iligal na droga.

Matatandaan na Oktubre noong nakaraang taon ay nagdeklara si Trump ng opioid crisis sa US kung saan ninais pa nitong palawigin ang death penalty sa mga drug dealers dahil kasing sama umano ang mga ito ng serial killers.

Mayroon rin itong mga naunang biro na walang problema sa droga ang China at Pilipinas dahil pinapatay sa mga nasabing bansa ang mga drug traffickers.

Read more...