Hinihinalang shabu, natagpuan sa isang lalaking walang malay sa ospital

By Rohanisa Abbas March 02, 2018 - 04:15 PM

Nadiskubre ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang lalaking walang malay ngayon sa Laguna Provincial Hospital sa Sta. Cruz, Laguna.

Ayon kay Senior Insp. Marlon Comia, hepe ng pulisya ng Pagsanjan, ipinagbigay-alam ito ng isang tauhan ng ospital.

Dinala umano sa ospital ang lalaking walang malay dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Sinabi ni Comia na bilang bahagi ng standard operating procedure, ininspeksyon ng ospital ang damit at mga gamit ng lalaki. Doon natuklasan ang sachet ng hinihinalang shabu sa kaliwang bulsa ng kanyang pantalon.

Batay sa paunang imbestigasyon, nasangkot umano sa away ang lalaki at isang Bryan sa Pagsanjan at may pinag-usapan tungkol sa isang babae.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng lalaking nasa ospital.

Naghahanda naman ang pulisya ng kaso posibleng isampa laban sa kanya.

TAGS: Bryan sa Pagsanjan, Hinihinalang shabu, laguna, Laguna Provincial Hospital, lalaking walang malay sa ospital, sta cruz, Bryan sa Pagsanjan, Hinihinalang shabu, laguna, Laguna Provincial Hospital, lalaking walang malay sa ospital, sta cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.