Cellphone ng pasahero ng Air Canada, nasunog

Credit: www.aircanada.com

Nasunog ang cellphone ng isang babaeng sakay ng isang eroplano sa Canada.

Naganap ang insidente alas-7:00 ng umaga nang papalipad ang Air Canada flight 101 mula Toronto tungong Vancouver.

Ayon kay Air Canada spokesman Peter Fitzpatrick, agad na naapula ng crew ang apoy. Wala naman ding naidulot na pinsala ito sa eroplano.

Gayunman, nagtamo ng sugat ang pasahero. Pinababa ng eroplano ang babae para gamutin ang kanyang sugat.

Matapos ang dalawang oras na pagkaantala, lumipad na rin ang eroplanong sakay ang 266 pasahero.

Read more...