Sumbong na may dalawang senior citizen na pinaalis sa DFA satellite office sa Cubao iniimbestigahan ng DFA

By Rohanisa Abbas March 02, 2018 - 03:15 PM

Iniimbestigahan ng Department of Foreign Affairs ang kaso ng dalawang senior citizen na naga-apply ng pasaporte sa satellite office sa Cubao ngunit pinaalils dahil puno na ang application slots.

Dumating ang dalawang senior citizen sa Ali Mall sa Quezon City bago mag-alas-10:00 ng umaga, bago pa man ito magbukas.

Gayunman, puno na umano ang 50 passport application slot para sa walk-in applicants kaya pinababalik na lamang sila.

Ayon kay Assistant Secretary Frank Cimafranca, inatasan niiya na ang mga opisyal sa DFA satellite office para ipaliwanag ang insidente.

Sinabi ni Cimafranca na dapat ay na-accomodate ang dalawang senior citizen na pumunta bago pa man magbukas ang mall.

Dagdag ng opisyal, dapat na pinadaan sila sa courtesy lane para sa senior citizens.

 

 

 

 

TAGS: Ali Mall, Cubao, DFA, Radyo Inquirer, Ali Mall, Cubao, DFA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.