Dengue cases sa Pangasinan, umabot na sa epidemic level

By Kathleen Betina Aenlle October 03, 2015 - 04:19 AM

Dengue_1Matapos madagdagan ang bilang ng mga residenteng nagkasakit ng dengue, umakyat na sa epidemic level ang bilang ng mga kaso ng nasabing sakit sa Pangasinan.

Sa loob ng siyam na buwan, tumaas sa 2,940 ang dating 1,687 na bilang ng kaso ng dengue sa probinsya.

Sa kabila nito, ipinauubaya na ni Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, provincial health officer ng Pangasinan, sa mga opisyal ng mga bayan at barangay ang pagdedeklara ng epidemya kaya tumanggi na rin siyang tukuyin ang partikular na mga lugar na apektado.

Ayon kay De Guzman, ang bilang ng mga kasong naitala nitong nagdaang siyam na buwan ay humigit na sa batayang bilang o treshold na kinakailangan para magdeklara ng epidemya.

Aniya, ang pagdedeklara ng epidemya o state of calamity ay hindi nakasalalay dahil kailangan pang konsultahin ng mga lokal na opisyal ang kanilang mga mamamayan hinggil dito dahil ang nasabing deklarasyon ay maaaring makaapekto sa ekonomiya ng lugar.

12 katao na ang naitalang namatay sa Pangasinan dahil sa dengue ngayong taon, na lampas doble sa 5 naitala noong nakaraang taon.

Matatandaan namang nag-deklara na rin ng state of calamity ang Bulacan dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue na ikinamatay ng 11 pasyente.

TAGS: dengue cases, pangasinan, dengue cases, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.