PNP tiniyak na sumusunod sa protocol sa paglalabas ng impormasyon na may kinalaman sa national security

By Mark Makalalad March 02, 2018 - 02:02 PM

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police na sumusunod sila protocol sa pagpapalabas ng impormasyon na may kinalaman sa National Security.

Ito ang pahayag ng ahensya kaugnay sa atas ng Pangulo sa PNP na balewalain ang UN rapporteur na mag-iimbestiga sa umanoy human rights abuse sa Pilipinas.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, ang anumang impormasyon na hihingin ng mga international bodies ay kailangang dumaan sa proper channels.

Sinabi nya rin na ang PNP ay nasa ilalim ng executive branch ng pamahalaan kaya ang mga mas nakakataas ang makapagpapasya kaugnay ng usaping ito.

Matatandaang una nang tinutulan ni PNP chief Ronald Bato delarosa ang paglalabas ng mga case files sa CHR na may kaugnayan sa pagakamatay ng mga drug personalities sa kampanya kontra droga dahil masyado umanong sensitibo ang mga ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: PNP, UN rapporteurs, United Nations, PNP, UN rapporteurs, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.