Mahigit 3,000 drug personalities, sumuko sa unang buwan ng pagbabalik ng Oplan Tokhang

By Mark Makalalad March 02, 2018 - 01:27 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Hindi naging madugo ang unang buwan ng pagbabalik ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Katunayan ayon kay PNP Spokesman C/Supt. John Bulalacao, simula January 29 hanggang March 1 ngayong taon, wala pang napapatay sa kanilang operasyon na naglalayong mapasuko ang mga drug suspects.

Sa record ng Directorate for Operations, nasa 3,173 na ang drug personalities sa buong bansa ang sumuko sa PNP.

Pinakamarami sa mga sumuko ay mula sa Region 10 na mayroong 405 drug surrenderers na sinundan nanan ng National Capital Region na may 240 drug surrenderers.

Sa kabuuan, nasa 5,543 na ang ikinasang Tokhang activities ng PNP.

Samantala, bagaman nananatiling “bloodless” ang Tokhang, umabot naman sa 102 ang bilang ng mga drug personalities ang napatay sa iba’t ibang anti-criminality campaign ng mga pulis na pawang sinasabing nanlaban.

 

WATCH:

TAGS: Oplan Tokhang, PNP, Radyo Inquirer, Oplan Tokhang, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.