Pagpapatayo ng permanenteng evacuation center sa Albay, sasagutin ng ilang senador

By Rohanisa Abbas March 02, 2018 - 01:10 PM

Radyo Inquirer File Photo

Sasagutin ng ilang senador ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation center at multipurpose center sa Albay.

Ipinahayag ni Senador JV Ejercito na napagaksunduan nina Senators Sonny Angara, Nancy Binay, Risa Hontiveros, Migz Zubiri at Joel Villanueva na mag-ambag-ambag para ipatayo ito.

Sinabi ni Ejercito na pinaka-apektado ng kalamidad ang mga mag-aaral dahil ginagawang evacuation centers ang kanilang mga paaralan.

Ayon kay Ejercito, maghihintay lang sila ng lupa na ibibigay ni Albay Governor Al Francis Bichara para pagtayuan ng permanent evacuation centers.

Bumisita si Ejercito kasama ang mga nabanggit na Senador sa Albay kahapon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, Evacuation center, Radyo Inquirer, Albay, Evacuation center, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.