32 patay sa mahigit 1,700 na insidente ng sunog sa bansa ngayong taon

By Jan Escosio March 02, 2018 - 09:57 AM

Umabot sa 32 katao ang naitalang namatay dahil sa mga insidente ng sunog sa bansa simula noong Enero ngayon taon.

Ito ang inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasabay nang paggunita ng Fire Prevention Month.

Sa datos mula sa BDP, ngayong taon, 1,758 insidente na ng sunog ang naitala at ang mga ito ay nagresulta din sa pagkakasugat ng 108 katao at higit sa P1 bilyon na ang halaga ng pinsala.

Sa bilang ng insidente, 525 ang nangyari sa Metro Manila, kung saan siyam ang namatay at 36 ang nasugatan.

Sa kabuuan ng nakaraang taon, 14,000 insidente ng sunog ang naitala, 304 ang namatay, 889 ang nasugatan at higit sa P7.8 bilyon ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Nanatiling ang depektibong koneksyon ng kuryente, sigarilyo at kalan ang tatlong pangunahing ugat ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Fire Protection, fire incident, Radyo Inquirer, Bureau of Fire Protection, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.