13 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Loay, Bohol

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2018 - 09:33 AM

Labingtatlong katao ang nasugatan sa karambolang kinasangkutan ng dalawang bus at isang motorsiklo sa Bohol.

Sakay ng isang tourist bus ang 20 Korean nationals nang ito ay bumangga sa motorsiklo at isang Ceres Bus na mayroong 42 pasahero sa bayan ng Loay.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nahulog ang Ceres Bus sa tulay.

Sa 13 nasugatan, tatlo ang nagtamo ng matinding sugat kabilang ang dalawang sakay ng motorsiklo at isang sakay ng Ceres Bus.

Habang ang sampu na nagtamo lamang ng minor injuries ay pawang mga Korean nationals na sakaky ng tourist bus at mga pasaherong sakay ng Ceres.

Ayon kay PO1 Rommel Ediong ng Loay police station, bigla na lamang binangga ng NF Tourist Bus ang motorsiklo bago banggain naman ang Ceres Bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Bohol, loay, Radyo Inquirer, accident, Bohol, loay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.