Impeachment lang ang pwedeng makapagpaalis kay Sereno sa pwesto ayon sa isang political analyst

Impeachment process lamang ang tanging makapagpapa-alis sa pwesto kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang sinabi ni Prof. Ramon Casiple, isang political analyst sa panayam ng Radyo Inquirer.

Ayon kay Casiple, ang dahilan kung bakit ipinapanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ni Sereno ay dahil wala namang ibang magiging paraan upang maalis siya sa pwesto kundi impeachment lamang.

Dagdag pa ni Casiple ang isang “kalokohan” din na maituturing ang pagsasampa ng quo warranto case laban kay Sereno.

Aniya, kung magsusulong man ng quo warranto, idadaan pa rin ito sa pagtalakay sa impeachment.

Duda rin si Casiple na magpapasya si Sereno na magbitiw sa pwesto.

Ayon kay Casiple, ang mga mahistrado naman sa Korte Suprema na kumakalaban o hindi kasundo ni Sereno ay halos pawang pa-retiro na sa pwesto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...