WATCH: Pakikipag-usap ng pamahalaan ng Pilipinas sa gobyerno ng Kuwait sisimulan na sa susunod na linggo
Hawak na ng mga kinatawan ng Pilipinas ang draft ng bilateral agreement sa Kuwait.
Ang nasabing dokumento, naglalaman ng mga inilatag na kondisyon para matiyak ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.
Kabilang sa mga kondisyon na hihilingin ng Pilipinas sa Kuwait ay ang pagpapahintulot sa mga OFWs na hawakan ang kanilang sariling pasaporte at paggamit ng cellphone.
Una nang sinabi ng DOLE na mananatili ang ban hangga’t hindi natitiyak ang proteksyon sa mga OFW.
Narito ang ulat ni Alvin Barcelona:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.