Hindi bababa sa 10 patay, airports paralisado dahil sa heavy snow rainfall sa Europe
Libu-libong katao ang apektado ng nararanasang malamig na panahon at pagbuhos ng niyebe sa ilang bahagi ng Europa.
Bunsod ng sama ng panahon, ipinatupad ang pagpapasara sa mga airports sa Scotland, Switzerland, France at Ireland at na-stranded ang daan-daang motorista dahil sa kapal ng yelo sa mga pangunahing kalsada.
Ibinabala ng weather forecasters ang snow storm na magdadala ng 100 kph na hangin, freezing rain, pagkulog at pagkidlat sa Ireland, southwestern England at Wales.
Nakansela naman ang ang lahat ng flights sa Dublin Airports habang wala ring serbisyo ang Irish Rail at sinabi ng mga awtoridad na magpapatuloy ang sitwasyon hanggang Sabado.
Nagbabala naman ang World Health Organization nitong Huwebes na ang malamig na panahon ay lubhang mapanganib para sa mga matatanda, mga bata at mga taong may chronic diseases.
Inulat na ng Swedish media na isang babae ang nasawi habang ang nasa intensive care unit ang kanyang anak na babae bundos ng -10 degrees Celsius na temperatura.
Ayon naman sa Danish police, isang 84-anyos na babaeng may dementia ang namatay din dahil sa lamig ng panahon sa isang parke sa Roskilde, kanluran ng Copenhagen.
Nasa 13 na ring katao ang namatay mula January 1 sa Paris Region na nagbunsod para sa mga opisyal upang mamahagi ng blankets at sleeping bags sa mga taong walang tirahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.