Susunod na laban ni Pacquiao, posibleng ganapin sa Malaysia

By Jay Dones March 02, 2018 - 12:24 AM

 

Inquirer file photo

Sa halip na sa Amerika, ay posibleng sa Kuala Lumpur sa Malaysia ganapin ang susunod na laban ni Senador Manny Pacquiao.

Ayon sa source ng Inquirer, posibleng mangyari ang muling pag-apak sa boxing ring ng pambansang kamao sa pagitan ng April 29 at May 5.

Bagamat hindi pa tinutukoy ang magiging kalaban, una nang sinabi ni Pacquiao na nais nitong makaharap si World Boxing Association Welterweight champion Lucas Mathysse.

Matatandaang una nang tinanggihan ng senador na makalaban sa kanyang comeback fight si Mike Alvarado.

Ito ay dahil magiging undercard fight lamang ito sa Horn-Crawford face-off sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.