Lalaki sugatan sa self-accident sa Quezon City

By Justinne Punsalang March 02, 2018 - 12:04 AM

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Binabagtas ng isang lalaking sakay ng motorsiklo ang Sgt. Rivera Avenue southbound malapit sa Quezon Avenue nang sumemplang ito.

Kinilala ang lalaking sugatan at duguan ang mukha at magkabilang tuhod na si Albert Tablon, 35 taong gulang at residente ng Caloocan City.

Ayon kay Tablon, pauwi na siya sa Caloocan nang maganap ang self-accident.

Agad na dumating sa lugar ang mga pulis at rescue team na silang umasiste sa biktima. Ayon sa mga ito, posibleng nakainom si Tablon dahil amoy alak ito.

Ayaw magpadala sa ospital ni Tablon at sinabing tawagan na lamang ang kanyang asawa. Ngunit desidido naman ang rescue team na dalhin ang biktima sa pinakamalapit na ospital na Quezon City General Hospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.