2 patay kabilang ang isang pulis sa pamamaril sa sabungan sa Bohol

By Jay Dones March 02, 2018 - 01:28 AM

 

Patay ang dalawa katao kabilang ang isang AWOL na pulis sa insidente ng pamamaril sa loob ng sabungan sa bayan ng Dauis, Bohol Huwebes ng hapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina PO2 Zandro Zamora, 34-anyos na huling nakatalataga sa Kampo Crame at ang babaeng gatekeeper ng sabungan na si Paterna Acuña.

Sa imbestigasyon, nakaistambay lamang si PO2 Zamora sa pintuan ng New Dauis Cockpit Arena sa Barangay Totolan nang biglang dumating ang apat na suspek lulan ng dalawang motorsiklo.

Dito na agad na pinaputukan ng mga salarin ang biktima na nagawa pang mkatakbo sa loob ng sabungan ngunit hinabol pa rin ito ng mga suspek.

Tinangka namang pigilin ng babaeng gatekeeper ang mga gunman ngunit maging siya ay pinagbabaril rin ng mga ito.
Sa pagsisiyasat ng SOCO Team, nakakumpiska umano ng isang sachet ng shabu sa bulsa ng nasawing pulis.

Ayon naman sa ama ng biktimang pulis, nakatanggap pa ng death threat ang kanyang anak bago ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.