Mobile checkpoints, dapat palawakin-Duterte

 

Ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na magpakalat ng mga mobile checkpoints sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ay upang mapigilan ang mga insidente ng sniper attacks laban sa mga alagad ng batas at mga sundalo.

Sa halip aniya na maglagay ng mga permanenteng checkpoints, mas magiging epektibo ang mga mobile checkpoints.

Paliwanag ni Duterte, maraming mga insidente ng sniper attack nitong mga nakaraang araw laban sa mga otoridad kaya’t dapat na maging mas epektibo ang pagpigil laban sa mga ganitong insidente.

Dapat aniyang maging mas maigting ang pagbabantay sa mga lansangan lalo na sa mga kanayunan upang hindi na muli makapambiktima ang mga sniper ng mga kalaban.

Read more...