P8.65-M halaga ng glutathione, naharang sa NAIA

 

Aabot sa 8.65 milyong pisong halaga ng glutathione at iba pang uri ng mga gamot na pampaganda at pampaputi ang nasabat ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport NAIA.

Ayon kay Customs District Collector Vincent Philip Maronilla, nagmula ang mga naturang kontrabando sa Thailand at dumating sa bansa noong nakaraang February 13.

Naalerto ang mga customs officer sa laman ng 48 karton nang ma-detect ito sa x-ray machine.

Naka-consign umano sa isang nagngangalang James Malinao Halasan ng Kamuning Quezon City ang naturang mga kahon kung saan nagsilbing customs broker ang isang nagngangalang Isagani Cortez.

Idineklara umano ang mga kontrabando bilang mga personal effects.

Agad naman na nagpadala ng summons ang BOC sa consignee at customs broker ng mga glutathione products.

Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Tarrif and Customs Code of the Philippines dahil sa misdeclaration ng mga nilalaman ng mga kahon.

Read more...