Rider inagawan na ng motorsiklo, pinatay pa ng mga suspek

By Cyrille Cupino March 02, 2018 - 12:22 AM

Patay ang isang lalaki matapos barilin at agawan ng motorsiklo sa kanto ng A. Bonifacio at Mauban, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Michael Joseph Evangelista, 40 anyos, nagta-trabaho bilang ahente ng Poweree Corporation.

Ayon sa nakasaksi, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng Durable Hardware kung saan sana ito mangungulekta ng bayad.

Nakita umano ng saksi na may dalawang lalaking kasunod ang biktima at tinutukan ito ng baril.

Nagkipag-agawan pa ng susi ang biktima sa suspek at nagawang makatakbo, pero binaril na ito.

Kinuha ng isang suspek ang susi at tinangay ang pulang Honda Wave na motorsiklo.

Dead-on-the-spot ang biktima matapos magtamo ng isang tama ng bala ng caliber .38 sa collarbone.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Quezon City Police District sa nasabing insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.