Imbestigasyon ng UN sa war on drugs, huwag pansinin ng AFP at PNP

By Chona Yu, Len Montaño March 02, 2018 - 12:11 AM

 

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo na huwag pansinin ang imbestigasyon ng United Nations kaugnay ng war on drugs ng gobyerno.

Sa talumpati sa national SWAT challenge sa Davao City, inanunsyo ng pangulo na suportado niya ang pulisya at militar.

Pagdating umano ng sinumang UN Rapporteur, utos ni Duterte, huwag sagutin ang tanong ng mag-iimbestiga.

Katwiran ng pangulo, bakit daw sasagutin ang UN Rapporteur at sino raw ba ang mga ito para makialam kung paano niya patakbuhin ang bansa.

Kasabay nito, muling inulit ng pangulo ang utos sa mga pulis at mga sundalo na kapag ipinatawag sila sa mga pagdinig sa Kamara, Senado, Supreme Court, Commission on Audit o anumang investigating body ay mag walk-out sila kapag binastos o sinigawan sila.

Ayon sa pangulo, bilang Commander-in-Chief hindi niya papayagan na bastusin ng sinuman ang kanyang mga tauhan sa PNP at AFP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.