Pamahalaan ng Kuwait handa sa negosasyon para sa mga OFWs
Handa ang pamahalaang Kuwait na makipag-dayalogo sa Pilipinas para mapaganda ang pagtrato sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang bansa.
Katunayan, sinabi ni Labor Usec. Claro Arellano na nakatakda silang makipag usap sa mga opisyal ng Kuwait sa Maynila sa susunod na linggo.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Arellano na naisapinal na nila ang draft ng bilateral agreement na ilalatag nila sa mga opisyal ng Kuwait.
Kabilang sa mga kondisyon na hihilingin nila sa mga Kuwaiti employer ang pagpapahintulot sa mga OFWs na hawakan ang kanilang sariling pasaporte at paggamit ng cellphone.
Gusto rin aniya ng pamahalaang Pilipinas na alisin na ang Kafala system at hingan o ang paglilipat sa mga OFWs sa ibang amo nang walang pahintulot.
Dapat aniya na alamin muna ng amo nito kung payag ang isang OFW na mailipat sa ibang amo.
Kaugnay nito, itinalaga ng Department of Labor and Employment si POEA Deputy Administrator Arnel Ignacio bilang acting Labor Attache’ to Kuwait at nagdagdag din ng pito pang personnel para tutukan ang kalagayan ng mga Pinoy workers doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.