Kamara naalarma sa madalas na pagkakasabat ng droga sa karagatan ng Pilipinas
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Kamara kaugnay sa napaulat na smuggling ng illegal na droga sa baybayin ng Isabela gayundin sa iba pang bahagi ng bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, humiling si Philippine Drug Enforcement Agency Acting Deputy Director for Intelligence and Investigation Agent Martin Francia ng executive session para mapag usapan ang ilang mahahalagang bagay lalo na ang seguridad ng bansa ito ayon kay Barbers ay upang hindi rin mapreempt ang ginagawang on-going operations laban sa illegal na droga.
Ang imbestigasyon ay kaugnay sa House Resolution 1674 ni House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority leader Rodolfo Fariñas dahil sa umanoy drug smuggling sa coastal waters ng Isabela gayundin sa iba pang bahagi ng bansa.
Nagpahayag ng pagkaalarma si Fariñas dahil sa pagkaka- diskubre ng high grade drug cache ng mga mangingisda sa Isabela na posibleng doon idinadaan ang mga droga para mapasakamay ng mga drug pushers at users.
Ayon kay Fariñas lantad ang bansa para maging transhipment point ng ilegal na droga.
Ito ay dahil sa mahaba at maraming coastline ng bansa kaya hindi pa ito nadedetect ng mga otoridad at PDEA.
Kamakailan ay nakarekober ang mga otoridad ng palutang-lutang na mga container na may lamang cocaine na tumitimbang ng 18.842 kilograms at may street value na P79.136 Million.
Natagpuan ito ng dalawang mangingisda noong Pebrero 6 2018 sa Baybayin ng Brgy. Dipudo, Divilican, Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.