Recruiter ni Joanna Demafelis hindi pa suspek sa kaso ayon sa NBI

RTVM

Para sa National Bureau of Investigation ay hindi nila itinuturing na suspek ang sumukong empleyado ng Mount Carmel Recruitment Agency- ang recruiter ng Overseas Filipino Worker na si Joanna Demafelis.

Ayon kay NBI-NCR Chief Cesar Bacani, si Marissa Ansaji Mohammad na empleyado ng Mount Carmel noong 2014 ay lumutang sa kanilang tanggapan kahapon matapos nilang padalhan ng subpoena.

Sa salaysay ni Mohammad, sinabi nito na siya lamang ang nag fill- up ng application form ni Demafelis.

Sinabi ni Bacani na nakikipagtulungan naman sa kaso si Mohammad na bumalik kanina para sa karagdagang pagtatanong.

Samantala, kinumpirma ni Bacani lumutang na rin ang General Manager ng Mount Carmel Recruitment Agency na si Mary Gaye Abrantes.

Kaninang umaga ay nagtungo sa NBI Anti-Human Trafficking Division si Abrantes at inamin na siya ang nagproseso sa aplikasyon ni Demafelis papunta sa Kuwait.

Inaalam na ng NBI kung sino ang nagpadala kay Demafelis sa Syrian at Lebanese na amo nito makaraang matapos ang kontrata niya sa Mount Carmel noong 2016.

Read more...