Malacañang: Pagkakamali ng Rappler lalo nalantad dahil sa PDR ng Omidyar Network
Lalo lamang pinagtibay ng Omidyar Network ang naunang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na pinatigil ang operasyon ng news site na Rappler dahil sa paglabag nito sa ilang probisyon sa Saligang Batas.
Ito ay matapos idonate ng Omidyar ang Philippine Depositary Reciepts (PDR) nito sa Rappler.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang hakbang na ito ng Omidyar ay pag-amin ng paglabag nila sa Saligang Batas na nagsasabing dapat ay 100 porsyentong pag-aari ng mga Filipino ang media entity sa Pilipinas.
Nilinaw naman ni Roque na hindi makatutulong sa Rappler ang ginawa ng Omidyar kaugnay sa apela nito sa Court of Appeals dahil naisagawa o nangyari na ang krimen o paglabag sa batas.
Iginiit pa ni Roque na hindi rin ito dahilan para hindi na pagbawalan ang Rappler na makapag cover sa Malacañang o sa anumang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.