WATCH: Pananagutan ni Agnes Tuballes sa sinapit ni Joana Demafelis, pinag-aaralan pa ng CIDG

Kuha ni Mark Makalalad

Nilinaw ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na hindi pa itinuturing na suspek si Agnes Tuballes ang di umanoy recruiter ni Demafelis.

Ayon kay CIDG Dir. Roel Obusan, tuloy-tuloy pa ang kanilang ginagawang case build-up laban kay Tuballes.

Nilinaw din ni Obusan na hindi nila ikukulong si Tuballes.

Una nang sinabi ni Tuballes na hindi siya ang recruiter ni Demafelis.

Aniya, ang tanging papel lamang niya ay ang pag-refer kay Demafelis sa recruitment agency na nagpa-alis sa kaniya.

Magugunitang mismong ang Pangulong Duterte ang nag-utos sa paghahanap sa local recruiter ni Joanna kasunod ng pagkakaaresto ng mga nagtatagong Kuwaiti employers ni Joanna na pangunahing suspek sa pagpatay.

Ang mag-asawang Kuwaiti employers ni Joanna na si Nader Essam Assaf at Mona Hassoun, ay magkahiwalay na inaresto noong nakaraang linggo sa Lebanon at Syria.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...