Ayon sa pangulo, titiyakin niyang mananatili sa national government ang control sa AFP at PNP kapag naamyendahan na ang Saligang Batas at nabago ang kasalukuyanh porma ng gobyerno na unilateral patungon sa pederalismo.
Paiwanag pa ng pangulo, mahirap kung walang magkokontrol sa AFP at PNP sa national government samantalang malawak na ang ipagkakaloob na kapanbyarihan sa local government units.
“Mahirap kung walang mag-kontrol tapos puro malawak na ang powers ng… Kailangan isang pulis lang at isang armed forces lang. Iyon lang ang… one of the things that I would insist na hindi talaga ako papayag na may mga regional armed forces pati regional police,” ayon sa pangulo.
Samantala, ngayong araw, dadalo ang pangulo sa opening ceremonies ng National SWAT Challenge Team sa Davao Shooting Range sa Davao City.