Nag-abiso ang Cebu Pacific ng flight delays at cancellation ngayong araw at bukas. Pero idinagdag ng airline company na ginagawa na nila ang lahat upang agad maibalik sa normal ang kanilang operasyon. “We encountered issues in the course of the upgrade, which is preventing us from dispatching flights on time,” pahayag ng airline.
Kabilang sa mga kinansela ngayong araw ang mga sumusunod na flights:
• 5J 481/482 Manila – Bacolod – Manila
• 5J 579/582 Manila – Cebu – Manila
• 5J 971/970 Manila – Davao – Manila
• 5J 114/115 Manila – Hong Kong – Manila
• 5J 455/456 Manila – Iloilo – Manila
• 5J 461/462 Manila – Iloilo – Manila
• 5J 399/400 Manila – Kalibo – Manila
• 5J 647/648 Manila – Puerto Princesa – Manila
• 5J 375/376 Manila – Roxas – Manila
Magsasagawa ang airline ng re-accommodation sa mga apektadong pasahero oras na maging available ang mga biyahe. “We will provide for the requirements of the affected passengers, including meals, refreshment, and accommodation on other airlines,” dagdag pa ng Cebu Pacific.
Ang mga pasaherong apektado ay pwedeng mag-rebook sa loob ng tatlumpung araw mula sa orihinal na departure date o kumuha ng full refund o travel refund.
Maari ding tumawag sa Cebu Pacific sa call center number na 7020-888.