Sa pagsisimula ng biyahe ng MRT, 6 na tren lang ang unang bumiyahe
Anim na tren lamang ng Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) ang unang bumiyahe sa pagbubukas nito ngayong unang araw sa buwan ng Marso.
Sa abiso ng MRT-3 sa kanilang twitter, alas 5:27 ng umaga, 6 na tren ang running o gumagana.
Pagsapit naman ng alas 7:17 ng umaga, umabot na sa 8 ang tren na bumibiyahe.
Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na wala silang naitalang aberya sa MRT sa loob ng pitong magkakasunod na araw.
Ang huling unloading incident sa MRT-3 ay naitala noong Feb. 21, 2018.
Parami din ng parami ang mga sa paherong mas tumatangkilik sa P2P buses na bumibiyahe at naghahatid ng mga pasahero sa Ortigas at Ayala.
Sa halip na pumila ng matagal pasakays a MRT, mas pinipili na ng mga pasahero na sa bus na lamang sumakay na mabilis din naman ang biyahe dahil sa bus lane ito dumadaan at kung minsan ay ine-escortan pa ng HPG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.