Bawas presyo sa LPG ipinatupad ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2018 - 06:06 AM

Sinalubong ng magandang balita ang publiko ngayong unang araw sa buwan ng Marso.

Ito ay makaraang magpatupad ng bawas sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Petron, epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng Huwebes (March 1, 2018), nagpatupad sila ng bawas na P1.65 sa bawat kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P18.15 na kaltas sa presyo ng bawat 11-kilogram na LPG cylinder.

May bawas din na 90 centavos per liter ang Petron sa kanilang AutoLPG.

Samantala, ang kumpanyang Solane naman ay may bawas na P1.64 per kilogram sa kanilang LPG.

Katumbas naman ito ng P18.04 na bawas sa 11-kilogram cylinder epektibo alas 6:00 Huwebes ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: LPG cooking gas, LPG price rollback, Petron, Radyo Inquirer, Solane, LPG cooking gas, LPG price rollback, Petron, Radyo Inquirer, Solane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.