Pangulong Duterte, bababa sa pwesto sa 2020 kapag naipasa ang Federalismo
Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay bababa sa pwesto sakaling maipasa na ang panukalang Federalismo.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng housing project ng gobyerno sa Balo-I, Lanao del Norte, sinabi ng pangulo na pinamamadali niya na ang pagpasa sa panukalang pagpapalit sa uri ng gobyerno.
Sakaling maipasa anya ang Federalismo at Bangsamoro Basic Law ay hindi niya na hihintayin pa ang 2022 at target niyang bumaba sa 2020.
Iginiit ng presidente na matanda na siya at gusto niya na ring mamahinga.
Ibinunyag din ni Duterte ang rekomendasyon ng Constitutional Commission na Federal Republic na uri ng pamahalaan na tulad ng sa France.
Sa ilalim ng naturang Sistema, ang pangulo pa rin ang ‘head of state’ at ‘head of government’.
Gayunman, ayon sa pangulo ay mas iiral ang kapangyarihan ng regional leaders sa kanilang mga nasasakupan.
Iginiit ng pangulo na ang maagang pagbaba anya niya sa pwesto sakaling pumasa na ang panukalang Federalismo ay magpapatunay na hindi siya diktador tulad ng sinasabi ng kanyang mga kritiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.