Deployment ban, posibleng palawigin hanggang Saudi Arabia – DOLE

Ikinukonsidera ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapalawig ng deployment ban mula Kuwait hanggang Saudi Arabia at iba pang bansa sa Middle East.

Ito ay matapos ang mga ulat na ang mga Filipino household workers sa naturang bansa ay tila ikinakalakal na parang mga alipin.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, talamak sa Saudi ang tinatawag na kafala system kung saan karaniwang nagpapalitan ang mga employers ng kanilang mga manggagawa.

Dahil dito ayon kay Bello ay ikokonsidera ang posbileng deployment ban sakaling hindi masiguro na hindi mapapagtibay ang ibinibigay na proteksyon para sa mga manggagawang Pinoy.

Ipapatupad anya ang kaparehong mga pagtatakda na ipinatupad sa Kuwait.

Ayon pa sa kalihim, isang grupo sa pamumuno ni Undersecretary Ciriaco Lagunzad ang ipinadala sa middle east upang tingnan ang kondisyon ng mga OFWs at kung anong tulong ang maibibigay sa kanila ng kagawaran.

Ang magiging ulat anya ng labor team ang magiging basehan para sa pag-amyenda sa mga kasalukuyang labor agreements sa pagitan ng Pilipinas at Arabong bansa upang mapagtibay pa ang proteksyon na maibibigay sa mga Filipino workers.

Read more...