Umali: Sereno walang babalikang pwesto sa Supreme Court
Kumpyansa si House Commitee on Justice Chairman Rey Umali na wala nang mababalikan pa si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema sakaling manalo man ito sa Senate impeachment court.
Ayon kay Umali, kung hindi man ma-impeach si Sereno sa Kataas-taasang hukuman, “divided” na ang Supreme Court.
Sinabi nito na marami ring kumukuwestiyon ngayon na mga associate justices sa liderato ng punong mahistrado.
Iginiit nito na magiging kawawa lamang daw ang Pilipinas sa oras na magpapatuloy ang ganitong uri ng sitwasyon.
Samantala, ikinatuwa naman ni Umali ang “indefinite leave” ni Sereno.
Makabubuti anya ito hindi lamang sa Kamara at Senado kundi pati na rin sa taumbayan.
Pinayuhan pa nito ang punong hukom na mag-resign katulad ng ginawa ni dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista na naharap din sa impeachment complaint.
Ito anya ay upang hindi na maaksaya pa ang kanilang oras, gayundin ang resources ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.