OSG pinayuhang pag-aralan ang legalidad ng appointment ni Sereno sa SC
Iminungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Office of the Solicitor General ang pag-aaral upang kuwestyunin ang appointment sa Supreme Court ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ayon kay Alvarez ay kaugnay mga lumabas sa pagdinig sa Kamara na hindi ito kwalipikado sa posisyon.
Paliwanag ng House Speaker, ang ginagawang impeachment proceedings ng Kamara ay may kaugnayan sa mga grounds na nangyari matapos itong maitalaga sa posisyon.
Ang pagkuwestyon naman anya sa korte ay may kaugnayan sa mga batayan bago ito naging Punong Mahistrado.
Ipinauubaya naman ni Alvarez sa korte kung ano ang mangyayari sa mga kaso na pinagpasyahan kasama si Sereno sakaling ideklara na hindi valid ang appointment dito.
Sa ginawang pagdinig sa Kamara, lumabas na hindi nagsumite ng sampung taong Statement of Assets Liabilities and Net Worth si Sereno bukod pa kinakitaan ito ng mental discrepancies ng mga sumuring psychiatrists at psychologists.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.