Sanofi Pasteur nanindigan na hindi nila itinago sa publiko ang panganib ng Dengvaxia

Nilinaw ng Dengvaxia vaccine manufacturer na Sanofi Pasteur na hindi nila itinago sa pamahalaan ng Pilipinas ang panganib na posibleng dulot ng nasabing anti-dengue vaccine nang ipakilala ito sa bansa noong 2015.

Ito ay dahil noong November, 2017 lamang nila natuklasan na pwede palang maging sanhi ng development ng severe dengue ang nasabing bakuna para sa mga naturukan nito na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Nilinaw rin ng Sanofi na kaagad nilang isinapubliko ang kanilang findings base sa isinagawang clinical data analysis noong November 29, 2017.

Sa kanilang media advisory ay sinabi ng Sanofi, “For the dengue vaccine, from the time of the sale, until November 2017, we had no information or data with regards to the serostatus of the vaccinees showing a different product profile in the population of 9 years old and above”.

Sa ginawang pagdinig ng Kamara ay sinabi ni Food and Drug Administrastion (FDA) Director General Nela Charade Puno na alam na ng Sanofi ang side effects ng Dengvaxia mula pa noong 2015 pero hindi nila ito sinabi sa publiko.

Sa ginawang pag-aaral ng FDA sa isinumiteng mga dokumento ng Sanofi ay kanilang sinabi na naglabas sila ng advisory sa Singapore noong 2016 kaugnay sa panganib na dulot ng naturang bakuna.

Sa Congressional inquiry ay sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque na kaagad nilang ipinatigil ang paggamit ng Dengvaxia vaccine nang lumabas ang ulat ukol sa panganib na dulot nito sa publiko.

Sinabi rin ni Duque na hanggang ngayon ay inaalam pa rin nila kung direkta ba na maituturo sa Dengvaxia ang sinasabing kamatayan ng ilan sa mga nabakunahan nito.

Read more...