Patas na pagdinig ng impeachment court tiniyak ng liderato ng Senado

By Rohanisa Abbas February 28, 2018 - 04:02 PM

Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na bibigyan ng patas na paglilitis si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling umabot sa Senado ang impeachment case nito.

Ipinahayag ni Pimentel na kumpyansa siya na kung walang ebidensya, iaabswelto ng mga senador si Sereno pero kung mayroong ebidensya, dapat nilang ikunsidera na i-convict ang Punong Mahistrado.

Sinabi ni Pimentel na dapat na maghanda ang Kamara na mapatunayan ang kanilang kaso.

Giit niya, walang kaibi-kaibigan sa hanay ng mga mambabatas.

Kumpyansa rin si Pimentel na isasantabi ng mga senador ang kani-kanilang partido kapag nag-convene na ang Senado bilang impeachment court.

Ayon sa senador, isinasapinal na nila ang impeachment rules bago ang nakatakda nilang recess.

Paliwanag ni Pimentel, mapatatalsik lamang sa pwesto si Sereno kapag 2/3 ng 23 senador, o 16 sa mga ito ang pumabor sa impeachment.

TAGS: impechment, Pimentel, Senate, Sereno, impechment, Pimentel, Senate, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.