LOOK: Liham ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa inihaing indefinite leave
Inilabas ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kopya ng isinumite niyang liham hinggil sa inihaing leave of absence.
Ang liham na may petsang February 27, 2018 ay naka-address kay Supreme Court En Banc Deputy Clerk of Court Atty. Anna-li Papa Gombio.
Nakasaad sa liham na dahil sa demands ng nalalapit na senate trial sa impeachment complaint laban sa kaniya kinakailangan niyang maghain ng indefinite leave.
Ito ay upang mapaghandaan niya umano ng husto ang kaniyang mga isasagot sa mga walang basehang reklamo laban sa kaniya.
Bahagi ng indefinite leave ay ibabawas sa wellnes leave ni Sereno at ito ang naka-charge para sa petsang March 1 hanggang 15, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.