Customs broker Mark Taguba tinanggihan ng PNP; balik sa NBI detention facility

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2018 - 10:56 AM

Inquirer Photo | Marianne Bermudez

Tinanggihan ng Philippine National Police (PNP) ang customs broker na si Mark Ruben Taguba II.

Ito ay sa kabila ng naunang kautusan ng Manila Regional Trial Court na nagsasabing mula National Bureau of Investigation (NBI) ay dapat mailipat si Taguba sa custodial center ng PNP sa Camp Crame.

Ayon sa NBI, nang dumating si Taguba at kaniyang escorts sa Camp Crame ay hinarang sila pagdating sa gate ng PNP Custodial Center.

Iginiit ng PNP ang 2010 circular na inilabas ng Office of the Court Administrator (OCAD) ng Korte Suprema.

Ayon sa PNP, sa nasabing circular binabawalan ang mga korte na ipag-utos ang paglipat ng custodial prisoners sa PNP.

Sa halip, dapat umanong ilipat ang bilanggo sa detention facilities na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: mark taguba, NBI, PNP Custodial Center, mark taguba, NBI, PNP Custodial Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.